“Sunflower Farm ng Amianan”

Kung may four wheels kayo at naghahangad kayo ng maganda at tahimik na lugar, Piddig Sun Flower Farm isa sa mga romantic na lugar ngayun upang dalhin ang partner niyo. At saktong sakto din ito para sa mga magbabarkadang naghahanap ng intagrammable na lugar para sa mga instagrammble photos dahil sobra nga namang ganda at bago sa paningin ng iba.

🌻DISTURBANCE FEE:
₱100/pax = 18 years old and above
₱ 50/pax = 10-17 years old
FREE = Children 0-9 years old & PWD

•50% DISCOUNT for Groups of 3 or more*
•60% DISCOUNT for Senior Citizens*
•50% DISCOUNT for Piddigueños*
•BUY 10 + 1 FREE!*

💛FEATURES:
– Sunflower Maze (Different Patterns)
– Flower Heart Tunnel
– Vegetable Pick and Pay
– Seeds & Organic Plants for Sale
– Coffee Roasting & Packaging Facility
(by Schedule)
– Farm School for Organic Agriculture Production
– Souvenir Shop
– Light Snacks for Sale
– Lots of Instagram-able sites! 📸

“Umok ni Siwawer Vintar Adventure”

Adventure ba ang hanap mo? o instagramable pic na simple pero bago sa
paningin mo? Relax, tara nat samahan niyo ako at hanapin ang Bike line and Surf line ng Umok ni Siwawer Vintar Adventure.

Located in Brgy. Parparoroc named “Umok ni Siwawer Vintar Adventure”. This is the latest eco-tourism adventure park of Ilocos Norte. It’s a mere 20 minutes drive from Laoag City.

Umok ni Siwawer Vintar Adventure offers thrilling adventure activities for adults and children. Push yourself to the limit with “The Bike Zipline”. Pedal your way as you view the river of Vintar Dam. Locals and tourists can experience this 270-meter long attraction at a very low cost. Other adventures included are zipline, surfline, superman zipline, 4×4 ATV, hydraucycle waterbike, floater, zurball, and kayak.

Fees/Rental Rates

◾ZIP LINE – Php. 200/pax one way
◾BIKE LINE – Php. 500/pax back and forth
◾SURFLINE – Php. 300/pax one way
◾SUPERMAN – Php. 200/pax one way
◾ 4×4 ATV – Php. 1000 per ride until Bato-Bituen are
◾HYDRAUCYCLE/WATERBIKE – Php. 150 for a maximum of 30 mins.
◾FLOATER – Php. 50 for maximum of 30 mins.
◾ZURBALL – Php. 50 for maximum of 30 mins.
◾KAYAK – Php. 100 per unit for every 30 mins and/or 1 and 1 1/2 hour or any fraction thereof for the single kayak

This is open from Monday to Sunday, 8:00 AM to 5:00 PM.

Tagong Ganda ng Burgos,Ilocos Norte

Bilang isang manlalakbay, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na may iba’t ibang tanawin. Lalong lalo na ang mga tagong lugar na talaga namang dipa natatagpuan ng mga turista, mapadayuhan man na galing ibang bansa o yung mga taong doon na mismo sa lugar na yon lumaki at nagkaisip.

Habang naghahanap kami ng lugar para sa isang pre debut shoot, isa sa mga natagpuan naming ganda ng Amianan kasama ang aking mga barkada ay ang Gracianos Cove sa lugar mismo ng Burgos para don gawin ang photoshoot dahil nga naman sa kakaibang ganda nito. Ang Burgos ay talaga nga namang isa sa mga sikat na lugar dito sa Ilocos Norte, dahil sa madaming magagandang lugar na matatagpuan dito at isa na nga don ang Lighthouse at Ang “kapurpurawan” rock formation.

Ang pinaka-kahanga-hangang mga bagay tungkol sa Gracianos cove ay ang kanyang rock formation kung saan humahampas ang malakas na alon. Bukod sa mga rock formation, ng Gracianos Cove nakakaakit din sa paningin makita – ang nakamamanghang asul na tubig ng West Philippine Sea, ang mga alon na humahampas sa kapatagan at mabatong baybayin. Ang Gracianos Cove ay perkpekto din para sa mga taong naghahangad na makita ang totoong tagong ganda ng Amianan dahil ang ganda neto ay hindi nga talaga nakakasawa at para bang ika’y nakatitig sa tanawin na parang nasa ibang bansa na sabayan pa ng lakas at sarap ng simoy ng hangin. Maganda rin siyang lugar para sa mga naghahangad ng napakagandang prenup or predebut photoshoot.

Thank you for reading and I hope you’ll visit the Gracianos Cove of Burgos soon. Muli andito lang si Salakot Man o Jay Jay Corpuz na nagsasabing “relax…kasama mo ako.”

Ang Disyerto ng Amianan

Sa bawat araw na paglalakbay isang walang katapusang karanasan! Muli eto na naman si Salakot Man, tara na’t samahan niyo ulit ako sa byahe ko ulit dito sa Norte. Naranasan na nga nating maligo sa mga tagong falls, mag road trip kasama ang barkada, bumisita sa mga instagrammbale na tulay , at ngayun ay atin namang subukang mag adventure sa buhanginan! Dito sa “La Paz sand dunes” the dessert of the north, na matatagpuan lamang sa coastal village sa brgy. La paz, which lends the site its name.

Kung may four wheels kayo at naghahangad kayo ng maganda at tahimik na lugar, La Paz sand dunes isa sa mga romantic na lugar upang dalhin ang partner niyo. Saktong sakto din ito para sa mga taong naghahanap ng intagrammable na lugar dahil sobra nga namang kakaiba at bago sa paningin ng iba. At di nga maikakaila isa rin ito sa mga dinadayuhan ng mga direktor upang mag shooting mapa foreign man or local films, at isa na nga dito ang Himala at ang Panday sa local films, Mad Max, at Born of the fourth of July naman sa foreign fimms.

Getting Here:
As the La Paz Sand Dunes begin just outside Laoag, they are easily accessible from the city. The sand dunes are just 15 minutes away by either motorized tricycle or public jeepney. It is also possible to walk to the La Paz Sand Dunes from Laoag, although it may take a trek of more than an hour in order to traverse the entire stretch of the beach. A rugged 4-wheel-drive vehicle may be used to drive over the sand.


Thank you for reading and I hope you’ll visit the La Paz sand dunes soon. Muli andito lang si Salakot Man o Jay Jay Corpuz na nagsasabing “relax…kasama mo ako.”

Tagong Ganda ng Ilocos Sur

May work ka ba buong linggo? Tara, bigyan mo kong time sa ILOCOS SUR naman, doon pasyal tayo.
Motor ba gamit mo?, private car?, Refer ko sayo mag commute tayo. Relax…kasama mo ako, bukod sa kasama mo na ko, mag e-enjoy ka pa sa view na makikita mo. Kung galing kang laoag, sakay lang ng bus papuntang vigan ilocos sur (likod ng kapitol). Ihanda na ang inyong mga earphones, dahil musika ang makakasama mo sa byahe papuntang paraiso. Dahil sa higit dalawa at kalahating oras? mararating mo ang sinasabi ko. Dito madadaanan mo, mga katutubong tao, ilog na nagdurugtong sa lupa at dagat na kinagisnan mo.
Sa Sabang!, Ilocos sur doon ang punto, sa daan pa lang, hindi ka maninibago, pag nakarating ka na sa highway makikita ang sign na ito, ”Salomage Port” pangalan palang ayun, nakakaenganyo kakanan hanggang dulo. Nasa daan ka pa lang, amoy mo na agad, adventure na pinangarap mo at pag narating mo na ang destinasyon, pagbaba pa lang kumuha na ng litrato dahil pagtapak mo pa lang mata moy mabubusog na dito.
Yapak sa sabang port, walang pagbabago, tataas emosyon mo at di magsasawa dito. Sa bente pesos na entrance fee mo, sayong sayo ang momento. Dahil dito sa sabang, makulay na mundo iyong isasapuso kayat ilabas ang gadget at kumuha na ng litrato, Ma e-excite, mapapatalon, mag adventure at lumimot, dahil sa tulay na makulay tiyak malilimutan mo, kahit ang taong lumimot sayo, Kung gusto mo naman ng medyo sakto, ituloy mo ang pagyapak, dito mararating mo, walang kulay pero punong puno ng misteryo. Dahil sa huling tulay na maaapakan mo, tiyak ang puso moy sasaya pa rito ,dahil sa dulo nito abot mo na ang paraiso.


Thank you for reading and I hope you’ll visit the Sabang port soon. Muli andito lang si Salakot Man o Jay Jay Corpuz na nagsasabing “relax…kasama mo ako.”

Karingking (a hidden paradise)

Aside from the the beautiful beaches and bridges along the coastal areas of Ilocos Norte. Ang amianan ay marami ding maipagmamalaking waterfalls na talaga namang mamangha ang mga nature lovers at turista pag nagtagpuan nila.

Magandang picnic grove ba hanap mo? Or slowly activities such as hiking, trekking, water tubing, swimming? or baka naman magandang lugar para sa outdoor event or team building? Ano pang hinihintay niyo? halinat bisitahin ang isa sa mga tagong ganda ng Amianan ang (a hidden paradise) “Karingking”.Sa higit isa at kalahating oras na biyahe mula sa Laoag, Ilocos Norte ay mararating mo na ang bayan ng Solsona ang kilalang “zone of the rising sun”, kung saan matatagpuan ang isa sa mga tagong ganda ng Amianan,ang Karingking.

Mula sa Laoag, kailangan namin magtravel ng 1 oras sakay ng isang private car para makapunta roon.

* Pero kapag sasakay kayo sa public transportation pwede kayong sumakay sa Laoag-Solsona Jeep, na matatagpuan sa gilid lamang ng Ilocos Norte Capitol sa Laoag City. At sa 40 pesos na iyong pamasahe ay dadalhin kana ni Manong driver sa tagong ganda ng Norte.

At ibaba ka ng jeep sa mismong bayan ng Solsona, ibig sabihin kailangan mo ulit mag arkila ng trysicle, that will bring you until there. Hindi ko alam kung magkano ang saktong bayad. Pero pag mag aarkila kayo be sure na kausapin niyo ng maayos ang driver at sabihan na sunduin rin kayo pauwi kasi mahirap ang sasakyan sa huli.

ees to pay:
-35 pesos for the entrance (per head)
-500 pesos for the cottage

Ilocos Norte (Amianan) never fails to surprise me with its nature wonders.

Thank you for reading and I hope you’ll visit the Karingking soon. Muli andito lamg si Salakot Man o Jay Jay Corpuz na nagsasabing “relax…kasama mo ako.”

Instagrammable Bridge

Adventure ba ang hanap mo? o instagramable pic na simple pero bago sa paningin mo? Relax, tara nat samahan niyo ako at hanapin ang instagrammable bridge.

Cauplasan bridge ang tulay na nagdurugtong sa Bayan ng Dingras at Solsona Ilocos Norte. Kung sa TV, saan aabot ang bente pesos mo? Kay salakot man, saan ka dadalhin ng trenta pesos mo?
Relax, mararating mo ang tulay na ito mula Laoag, (terminal sa gilid ng kapitolyo ng Laoag), sasakay ng jeep papuntang Solsona, huwag na huwag kayong kukurap dahil sa trenta minutos na byahe at trenta pesos na pamasahe mo, ang Cauplasan bridge naghihintay sayo

Mula sa starting line ng Cauplasan bridge ,pwede mong enjoyin ang view, lakarin o ano mang gusto mong gawin Ay magagawa mo sa Tulay na ito. Tiyak maninibago, mae-excite, at mapapasigaw ka rito, dahil kulay pa lang sigurado ng panalo sa puso mo. Hindi ka magsasawa kahit ilang picture pa kunan mo, dahil andito lang si Salakot Man na nagsasabing “Relax… Kasama mo ako.”


Thank you for reading and I hope you’ll visit the Cauplasan Bridge soon. Muli andito lang si Salakot Man Jay Jay Corpuz na nagsasabing “relax…kasama mo ako.”